Pagbalik sa kanilang naiwang tahanan

11.10.25 Pabalik na sa kanilang mga iniwang tahanan ang ating mga kababayan na inilikas kahapon at pansamantalang nagpalipas ng magdamag sa Bauan Technical Integrated High School (BTIHS) at iba pang itinalagang barangay evacuation centers dahil sa banta ng bagyong #UwanPH.

Matatandaan na kahapon, maaga pa lamang ay napagpasyahan na ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, Chairperson ng Local Disaster Risk Reduction & Management Council (LDRRMC) na magkaroon ng preemptive evacuation ng mga kababayan natin na nasa high risk areas.

At ngayong araw sa ganap na ika-8:30 ng umaga matapos ang inihandang almusal ay nagsimula na ang pagpapauwi sa may 199 na pamilya o 611 na indibidwal na nagmula sa Poblacion I, Poblacion II, Manghinao Proper, New Danglayan at Sto. Domingo na nasa BTIHS. Upang masiguro ang kanilang maayos na pagbalik sa kanilang mga tahanan nagdesisyon ang LGU Bauan na sila ay ihatid ng government vehicles patungo sa kanilang mga barangay.

Ganun pa man, sa direktiba ni Mayor Wendah ay patuloy pa rin ang gagawing monitoring at pagbabantay upang maisigurado na maayos ang kanilang kalagayan dahil “sa Bayan ng Bauan, walang maiiwan”.

“Serve More with Integrity, Lead with Empathy”

#WeAreOneInBauan

You may also like...