Oplan Kaluluwa 2022

Patuloy na naka-duty ang mga kawani ng LGU kasama ang PNP at BFP na siyang bumubuo sa Bauan IMT, ganun din ang mga barangay officials at ilang volunteer groups and organizations, sa mga nakatalagang first aid stations at assistance desks dito sa bayan ng Bauan upang maisiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga motorista at mga taong dadalaw sa ating mga public cemeteries at private memorial parks.

Muli ang paalala nang pagdalaw sa mga puntod ay hanggang ika-7:00 ng gabi lamang.

Mananatili ang pagpapatupad sa mga safe and health protocols alinsunod sa mga takdang patakaran. Mahigpit na ipinapayo para sa lahat lalo’t higit sa mga unvaccinated individuals, senior citizens, at immunocompromised persons ang pagsusuot ng facemasks.

#WeAreOneInBauan👆🏻

#SafeAndSecureUndas2022

You may also like...