Operation Tuli
Binata na si Utoy
Sapagkat bakasyon na sa mga eskwelahan, panahon na naman para sa Operasyon Libreng Tuli sa Bayan ng Bauan.
625 na mga kabataang lalaki na may edad 11 hanggang 19 ang nabigyan ng libreng serbisyo sa dalawang araw na operasyon nitong July 27 at 28, 2023 na ginanap sa HJD Coliseum, Barangay Manghinao Proper. Kasama ang kanilang mga magulang at guardians matapang na hinarap ng mga kabataan ang “ritual†para sa kanilang pagbibinata.
Ang proyektong ito handog ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Municipal Health Office ay matagal ng isinasagawa sa ating bayan subalit pansamantalang nahinto sa panahon ng pandemya.
Sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor at pakikipagtulungan ni Vice Mayor Ronald Cruzat at SB Members ay muli itong ipinagpatuloy ng ating LGU. At bilang kaagapay ng ating pamahalaan sa proyekto mahalaga ang naging participation ng mga volunteer doctors at personnel mula sa ilang hospitals at medical groups na kinabibilangan ng Bauan General Hospital, Bauan Doctors General Hospital, San Antonio Lifecare Hospital at Bauan Medical Society gayon din ang mga pangulo ng bawat barangay kasama ang mga officials at BHWs.
Isang pasasalamat ang hatid ng LGU Bauan sa bawat kawani at volunteers sa kanilang tulong at pagganap kung kaya ang ating proyekto ay naging tagumpay.
#WeAreOneInBauan