OathTaking of Elected Officials & Turnover Ceremonies

“Nakatatak na tayo sa Kasaysayan sa Bayan ng Bauan”, Mayor Wendah

Sa unang pagkakataon ay isang babae ang nahalal sa pinakamataas na posisyon ng ating bayan sa katauhan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor.

Isinagawa noong Linggo, ika-29 ng Hunyo, 2025 ang “Oathtaking of Newly Elected Municipal Officials & Turnover Ceremonies” sa bayan ng Bauan na ginanap sa HJD Coliseum.

Pinangunahan ni Mayor Wendah Dolor at Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat kasama ang buong Sangguniang Bayan Ng Bauan Members at 2 Bokal ng Ikalawang Distrito ng Batangas, humarap ang grupo sa mga panauhin at supporters upang magbigay ng kanilang buong pusong panunumpa sa katungkulan kaakibat ng kanilang tagumpay.

Samantala naging emosyonal ang lahat ng sumapit ang bahagi ng programa kung saan magkatuwang na isinalin ni dating Mayor RYANH M. DOLOR at Acting Mayor Romel Basilan ang “symbolic key” at Municipal flag kay Mayor Rivera-Dolor.

Matatandaan na isang kasaysayan sa Bauan ang pagsasalin ng katungkulan mula sa ama patungo sa kanyang anak, kay Mayor Hermie Dolor at Mayor Ryanh Dolor. Muli ay gumawa ng history ang bayang walang maliw sa pamamagitan ng pagkakaroon ng FIRST WOMAN MAYOR. Gayundin ang straight win ng buong local slate noong nakaraang halalan.

At sa huli sa kanyang mensahe pinabatid ni Mayor Wendah na ang tagumpay ay hindi lamang sa kanila kundi sa lahat nag itinuturing niyang pamilya na hindi bumitaw at manapa’y nanindigan sa prinsipyo at naniniwala sa pangangalaga ng isang ina na puno ng pangarap para sa pamilya.

Mabuhay po kayo mga kagalang galang na opisyales ng Bauan!

#WeAreOneInBauan

You may also like...