National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)
Ganap na 3:30 ng hapon sa hudyat ng sirena nagsimula ang simulation ng paglindol sa Bauan Municipal Hall kahapon, ika-12 ng Marso, 2026 para sa pagsasagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ang lahat ng mga kawani kabilang na si Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, mga bisita at kliyente ng mga tanggapan ng lokal na pamalaan ay nagDUCK, COVER, and HOLD habang patuloy ang pag ugong ng sirena. Matapos “ang lindol” ay nagsilabas ang lahat patungo ng open area sa harapan ng municipal building.
Nagpahayag naman ng kanilang observation and evaluation sina EnP Belina Macuha-Montalbo, MDRRM Officer, at SFO2 Aldrin Amul ng Bauan BFP sa isinagawang drill.
Ang nasabing aktibidad ay ginaganap sa buong bansa upang magkaroon ng
kahandaan at tamang kaalaman ang mga mamamayan para sa kanilang kaligtasan kung sakali mang magkaroon ng ganitong klaseng sakuna.


































