Municipal Ordinance No. 26-04-0041 – Tricycle Fare Adjustment

Tuluyan nang naaprubahan ang “Tricycle Fare Adjustment Ordinance of Bauan” (Ordinance No. 26-04-0041) na nagtatakda ng taas pasahe sa mga tricycle na may legal na prangkisa at bahagi ng bawat TODA. Sa ilalim ng ordinansa na ito ay inaatasang magkakaroon ng limang piso (₱5.00) na dagdag pasahe sa lahat ng klasipikasyon maliban na lamang sa Bolo-Gulibay TODA base sa napagkasunduan sa public hearing noong Abril 8, 2026. Ang hakbang na ito ay bilang tugon sa mga hamon at krisis na kinakaharap ng ekonomiya katulad na lamang ng pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo at operating expenses ng bawat TODA.

Samantala, nakatakda rin naman sa Section 5 ng naturang ordinansa na ang mga awtorisadong pamasahe ay mapapasailalim din ng pagsusuri at maaaring baguhin ng Sangguniang Bayan, kabilang na lang ang konsiderasyon sa kalagayang pang-ekonomiya na hindi lamang limitado sa presyong petrolyo, inflation, at ang pangkalahatang epekto sa mga commuter at transport operators.

You may also like...