Municipal KoopQuiz
Ginanap ang KoopQuiz 13th Blast Municipal Level Competition kahapon, Setyembre 25, 2024 sa bayan ng Bauan. Ito ay isa sa mga nakahanay na aktibidad para sa pagdiriwang ng Cooperative Month sa darating na buwan ng Oktubre.
Tinanghal na champion si Benedict Orense mula sa BNAVIHS, na nakatakdang sumalang para sa Provincial Level na gaganapin sa Oct. 18, 2024.
Walong [8] pampubliko at pribadong paaralan ang lumahok sa competition. Ang mga ito ay kinabibilangan ng 5 public schools na As-is Integrated School (AIS), Bauan National Agricultural & Vocational Integrated High School (BNAVIHS), Bauan Technical Integrated High School (BTIHS), Inicbulan National High School (INHS) at San Vicente-Manalupang National High School (SVMNHS). Samantala ang Bauan Colleges Inc. (BCI), Our Lady of Lourdes School of Bauan Inc. (OLLSBI) at Sta. Teresa College (STC) naman mula sa private schools. Bawat paaralan ay mayroong dalawang representatives.
Ang Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Engr. Femie Bautista, ang siyang focal office para sa nasabing activity sa tulong ni Marlito Gamier, Municipal Cooperative Development Officer. Sa pamamagitan ni Atty. Ava Talag, Municipal Administrator, ipinarating ni Mayor Ryanh Dolor ang kanyang suporta at pasasalamat sa lahat ng mga mag-aaral at coaches na nakilahok. Nagsilbi naman bilang board of judges ang mga members ng Bauan Credit Cooperative na sina Rhodora Ilagan (BOD), Josiebel Ilagan (Chairperson-Audit Committee) at Sherilyne Torres (Secretary). Dumalo at naging observer si Ms. Maristelle Aguado ng PCLEDO.