MOU Signing & Groundbreaking Ceremony

Signing of MOU and Ground Breaking Ceremony on the site of the proposed Bauan Municipal Hall

Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan sa pagitan ng Sta. Lucia Realty & Dev., Inc. at Mayor RYANH M. DOLOR na kumakatawan sa Municipal Government of Bauan, ang ginanap noong ika-13 ng Disyembre 2024 sa Catalina Lake Residences, Manghinao I.

Nakasaad sa nasabing MOU na ang Sta. Lucia Realty ay magdo donate sa ating pamahalaang lokal ng 15,000 square meters na lupain na nasasakupan ng kanilang pag-aari na Catalina Lake Residences. Ang donated lots ay para sa pagpapagawa ng bagong Municipal Hall.

Matapos ang signing ay nagkaroon din ng ground breaking ceremony na pinangunahan ni Mayor Dolor, Vice Mayor Ronald Cruzat, SB Members, Mr. Exequiel Robles, President/CEO – Sta. Lucia Realty at ilang pang representatives ng nasabing owner/developer.

Marami pong salamat Sta. Lucia sa inyong kawanggawa para sa kagalingan ng bayan ng Bauan. Mabuhay po kayo.

You may also like...