Mayors for Good Governance 

“Sa gitna ng kasalukuyang krisis pang-ekonomiya, nais kong ipabatid na ako ay kaisa ninyo sa laban na ito. Nauunawaan ko ang bigat ng inyong pinagdaraanan, ang pagtaas ng presyo gasolina at ng mga bilihin, kakulangan sa oportunidad, at ang pangamba sa kinabukasan. Naririnig ko kayo, at hindi ko binabalewala ang inyong mga hinaing.

Kami ay nagsasagawa ng mga konkretong hakbang upang magbigay ng tulong, palakasin ang kabuhayan, at matiyak na ang mga pangunahing serbisyo ay maaabot ng lahat. Maaaring hindi agad-agad ang solusyon, ngunit asahan ninyo ang aking buong pagsisikap upang maibsan ang hirap na nararanasan ng ating komunidad.

Manatili tayong nagkakaisa, matatag, at may pag-asa. Sama-sama nating malalampasan ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng malasakit, pagtutulungan, at determinasyon.

Maraming Salamat sa Mayors for Good Governance, sa pangunguna ng aming convenor Mayor Benjie Magalong sa pagtugon sa aking liham. “

Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor

You may also like...