Mayor RMD’s birthday celebration with constituents

13Dec | Sa kanyang ika-43rd birthday ninais ni Mayor Ryanh Dolor na makapiling hindi lamang ang kanyang sariling pamilya kundi pati na rin ang mga kababayan na kanyang pinaglilingkuran.

Hectic ang schedule ng ating butihing Mayor para sa iba’t ibang municipal activities na nakalinya sa araw na ito. Maaga pa lamang ay nagkaroon na ng financial assistance distribution sa Municipal Hall lobby kung saan 137 beneficiaries ang nabigyan ng burial, medical at dialysis expenses assistance.

Naglaan din ng kanyang mahalagang oras si Mayor Dolor upang makasama ang mga seniors na nag participate at nag attend noong nakaraang Expo at makapagbigay ng kaunting papasko para sa kanila. Matapos dito, ipinagpatuloy din niya ang pagdalaw at pagbisita sa bawat tahanan ng ating mga senior citizens mula sa Barangay ng Sinala, San Roque, Manghinao I at Poblacion I upang personal na maibigay ang kanilang Senior Cash Incentives.

Dumalo rin si Mayor Dolor sa Opening ng Night Market sa Plaza Orense. Kasama niya sa ginanap na simpleng programa ng ribbon cutting ang mga SB Members na kinabibilangan nina Hon. Hero Dolor, Hon. Guenn Abante, Hon. Michael Endaya, Hon. Josephine Gimeno at Hon. Leon Ramos Jr.

Hindi pa dito natapos ang araw, dahil Day 4 na ng pamimigay ng Pamaskong Handog para naman sa mga baybaying barangay ng San Andres Proper, San Andres I, Sto. Domingo, New Danglayan at Aplaya. Sa bawat scheduled barangay na pinuntahan ng masipag nating Ama ng Bayan kasama ang Sangguniang Bayan, nagkaroon ng masiglang pagbati at pasasalamat mula sa pamunuan at mga taong barangay. Kung maraming mga nanay at tatay ang natuwa dahil sa Purefoods Ham at Spaghetti pack, mas maraming bata ang napasaya at napangiti dahil sa dumating na “Santa Claus”.

Lubos na nagpapasalamat ang bawat Bauangueño sa ating LGU lalo’t higit kay Mayor Ryanh Dolor, sa mahalagang oras na kanyang inilaan sa kanyang mga kababayan sa araw ng kanyang kapanganakan.

Tunay nga naman na “maaga ang Pasko sa Bauan”.

Maraming salamat Eyor! Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.

#MaligayangKaarawanMRMD

#MasayaAngPaskoSaBauan

#WeAreOneInBauan👆🏻

You may also like...