Mayor RMD and the Seniors 
Sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor, patuloy ang LGU Bauan sa distribution ng Senior Cash Incentives sa ating mga nakatatandang kababayan. Binisita ng butihing Mayor kasama ang kanyang maybahay Mayora Wendah, ang ating mga seniors sa kanilang mga tahanan upang makadaupang palad at personal na maipaabot ang kanilang cash incentives.
Ang paggagawad ng cash incentives ay base sa Municipal Ordinance No. 21-10-0284 (Bauangueño Centenarian Ordinance). Ngayong 2022 nagkaroon ng priority budget ang nasabing ordinansa kung saan nabigyan ng benepisyo ang mga seniors na 90 years old and above. Sa darating na 2023, ang mga seniors na may edad na hindi bababa sa 85 ay pagkakalooban din ng nasabing benefit. Kailangan lamang na magpresenta ng mga documentary requirements para sa entitlement ng nasabing cash gift.
#MayorRyanhCares
#WeAreOneInBauan