Mass Blood Donation

“Every blood donor is a life saver.”

Muling nagsagawa ang LGU Bauan sa pangunguna ng butihing Mayor Ryanh Dolor ng Mass Blood Letting Activity ngayong araw, Mayo 18, 2022.

Ito ay maluwalhating naidaos sa pagtutulungan at koordinasyon ng Bauan RHU1 and RHU2 staffs na pinamumunuan ng ating Municipal Health Officer, Dr. Wiston Ilagan, mga head nurses na sina Mam Jennifer Manongsong, Mam Sherell Abante, Sir Edison Aldovino, Mam Jeanette De Chavez at Mam Glenda Medrano, Pangulong Asher Disipeda at Pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Manghinao Proper at mga katuwang na BHWs. Sa tulong rin at espesyal na partisipasyon lalo at higit ng BatMC Staffs at Bauan Medical Society (BaMS) na naglaan ng panahon upang maisakatuparan ang ating Mass Blood Letting Activity.

Kabilang sa mga nakilahok at nagpaunlak sa nasabing aktibidad ang Bauan DepEd Staff, Bauan PNP, at mga walk in volunteers na nagmula sa iba’t ibang barangay.

Mula sa 130 katao na nakiisa sa ating layuning makakatulong upang makapagdugtong ng buhay ay nakalikom tayo ng 116 blood donations.

Nais po namin ipabatid ang walang sawang pasasalamat sa lahat ng nakilahok sa nasabing programang pangkalusugan. Isa po kayong tunay na mga bayani.

Saludo po kami sa inyo.

Source: Lannielyn M. Napeñas-Abando, Nurse 2 (DOH-HRH)

You may also like...