Local People’s Council Meeting

Local People’s Council meeting kahapon, Agosto 23, 2023 na ginanap sa Bauan Municipal Training Hall

Sa pangunguna ni dating Congressman Raneo E. Abu, Presidente ng Local People’s Council, nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro na kinabibilangan ng iba’t ibang CSOs at NGOs na accredited o recognized sa bayan ng Bauan. Ang Council ay isang body na ang mahihirang na representative/s ay maaaring maupo bilang miyembro ng anumang government councils, committees or task force.

Tinalakay sa nasabing miting ang kahalagahan ng partnership at collaboration o ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Bauan at mga grupo ng civil society organizations at iba pang NGOs. Ayon kay sir Celio Francia, MLGOO, upang mapagtibay o maging institutionalized ang partnership ng LGU at CSOs, kailangan na magkaroon ng ordinansa kaugnay dito.

Nabanggit sa pagpupulong na ang CSOs ay kabilang sa mga invited stakeholders sa gaganaping Bauan MDC assembly ngayong Setyembre. Kaugnay dito, ipinahayag ni Cong. Abu na ang Local People’s Council ay magiging isa sa mga “observers” sa mga gaganaping biddings at procurement ng LGU Bauan. Aniya, nagpapakita lamang ito na pinahahalagahan ng ating lokal na pamahalaan ang ugnayan sa pagitan ng LGU at CSOs/NGOs, bilang transparent sa mga usapin na may kinalaman sa development ng ating bayan. Sa pamamagitan ni Atty. Ava Talag, Municipal Administrator, ipinarating ni Mayor Ryanh Dolor ang kanyang pasasalamat sa buong Council sapagkat kaakibat ng mga tagumpay ng pamahalaan ay ang tulong mula sa CSOs, gayundin ang pagkilala sa bawat accomplishments ng lahat na organizations sa ating bayan.

Sa pagtatapos ng nasabing pulong, iminungkahi ni Cong Abu na magkakaroon ng regular na miting ang Council isang beses kada 2 buwan.

Kabilang sa nagsidalo sa miting ay ang 31 members ng kasaping CSOs/NGOs, mga officers at kawani mula sa LGU na kinabibilangan nina Engr. Melvin Arevalo, MPDO, (Focal Office), Municipal Tourism Officer Engr. Eufemia Bautista, (Secretariat) at Dr. Noel Bautista SB Secretary.

#WeAreOneInBauan☝🏻

You may also like...