Linggo ng Kabataan 2022
Tagumpay ang naging pagdiriwang ng Linggo Ng Kabataan 2022 sa Bayan ng Bauan noong ika-27 ng Agosto. Sa pangunguna ng SK Municipal Federation maraming mga kabataan ang nakilahok sa mga inihandang activities.
Isa rito ay ang isinagawang coastal clean up noong umaga pa lamang sa baybaying barangay ng Aplaya, Sto Domingo at San Andres. Kasama ang ilang kawani mula sa pamahalaang lokal at national agencies at ilang youth organizations, naglaan ng kanilang mahalagang oras ang mga kabataan sa paglilinis ng tabing dagat. Matapos ito ay nagkaroon ng programa na ginanap sa Tampisaw Resort, Brgy. Inicbulan na dinaluhan ng ilang piling panauhin na kinabibilangan nina Pangulo Belen Macaraig, PMAJ Elmer Balboa – Deputy Chief Bauan PNP at Marc Kevin Areta (LYDO).
Naging tampok naman sa selebrasyon ang Palaro ng Lahi. Dito ay ipinamalas ng grupo ng mga kabataan ang kanilang galing sa mga palarong pinoy. Ang kanilang partisipasyon ay naging daan upang magkaroon sila ng clean fun at tamang bonding gayun din ang mamulat sila sa kahalagahan ng kooperasyon at pagkakaisa.
“Intergenerational Sensitivity: Creating a World for All Agesâ€