LGU meets DepED
Nagkaroon ng meeting kahapon, ika-7 ng Marso, 2025 sa pagitan ng LGU Bauan at Bauan DepEd. Ang pagpupulong na dinaluhan ng mga public at private school heads ay may kinalaman sa pagtaas ng heat index na nararanasan sa buong bansa na nagdudulot ng matinding epekto sa bawat mag-aaral.
Bahagi ng pagpupulong ang ilang mahalagang suggestions na dapat gawin as precautionary o preparedness measures laban sa epekto ng matinding init na tinalakay ni MDRRM Officer, Gng. Belina Montalbo. Napagpasyahan din na magkaroon ng public awareness sa pamamagitan ng malawakang information dissemination mula sa ating LGU.
Isa sa napagkasunduan na pamamaraan ay ang pagpapahintulot sa mga mag-aaral na magsuot ng maaliwalas pananamit katulad ng cotton t-shirts. Gayundin ang pagkakaroon ng master list ng mga bata na may iniindang health conditions, at inventory ng mga classrooms na mayroong water dispensers at electric fan. Mula naman kay Atty. Ava Talag, Municipal Administrator, maaari din na humingi ng assistance sa mga barangay sa pamamagitan ng pag-antabay ng kanilang rescue vehicle sa mga eskwelahan na gagamitin in case of emergency.
Sa paliwanag ni Dra. Aurelia Aguila, PSDS-East District, base sa RA 9155, may kapangyarihan ang mga school heads na mag deklara ng cancellation ng face to face classes kung kinakailangan katulad ng ganitong sitwasyon. Nagpahayag naman ng pagsang-ayon patungkol dito ang LGU. Ayon pa kay Gng. Montalbo sa direktiba ni Mayor RYANH M. DOLOR ang pamahalaang lokal ng Bauan ay lubos ang ginagawang pagsuporta sa mga desisyon o hakbang na gagawin ng Bauan DepEd.












