LGU Basud Benchmarking in Bauan

Mainit ang naging pagtanggap ng bayan ng Bauan sa mga panauhin mula sa Basud, Camarines Norte ngayong araw, Hunyo 13, 2024 sa pangunguna ni Mayor Ryanh Dolor, Vice Mayor Ronald Cruzat kasama ang buong SB Members at mga kawani ng LGU.

Ang pagbisita ay kaugnay ng benchmarking activity ng nasabing munisipalidad sa ating bayan. Kabilang sa delegasyon ang mga elected officials ng Basud na kinabibilangan ni Mayor Adrian Davoco, Vice Mayor Ramir Barrameda at SB Members, at mga kawani ng iba’t ibang departamento ng kanilang lokal na pamahalaan.

Isang simpleng welcome program na ginanap sa HJD Coliseum, Manghinao Proper ang inihanda ng ating LGU para sa mga benchmarkers. Sinalubong ang mga panauhin sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Subli, isang religious dance na orihinal sa Bauan. Sa pamamagitan naman ng AVP naipakita at naipamalas ang ating municipal profile kabilang ang mga ipinagmamalaking tourism sites, developments at best practices ng ating bayan.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Dolor na bilang isang pamilya na may ugnayan at pagkakaisa, ang bayan ng Bauan ay handa na makatulong sa lahat ng LGU sa buong Pilipinas. Bilang tugon ay nagpasalamat naman si Mayor Davoco sa pagtanggap ng ating bayan sa kanilang ginawang pagbisita.

Matapos ang programa ay nagtungo ang buong delegasyon sa Bahay Pamahalaan ng Bauan para sa kanilang benchmarking. Ang mga head of offices kasama ang kanilang mga staff ay nabigyan ng pagkakataon na bumisita sa kanilang mga counterpart departments para sa kanilang mga queries. Samantala ang grupo ng Basud SB ay minarapat na makapag-observe at makadalo sa regular session ng ating Sanggunian Bayan.

Marami pong salamat LGU Basud sa inyong pagbisita sa aming bayan. Hangad namin na sa maliit na paraan ay nakapagbigay kami ng inspirasyon na makakatulong sa lalo pang pag-unlad ng inyong bayan.

You may also like...