Landbank Offsite ATM sa LGU Bauan, Pormal na binuksan

Pinasinayaan ng LGU Bauan at Landbank Bauan ang ‘Landbank Offsite Automated Teller Machine (ATM)’ na matatagpuan sa Municipal Hall noong ika-2 ng Setyembre 2024.

Isa sa pangunahing layunin ng ATM na ito ay para sa mabilisang payroll services ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, nagbigay ng kanyang pasasalamat si Mayor Ryanh Dolor sa pamunuan ng Landbank para sa partnership sa pagitan ng LGU Bauan at nasabing bank institution. Kaugnay pa rin sa usaping financial, masayang ipinahayag ni Mayor Dolor na simula ngayong Setyembre, ang mga kawani ng munisipyo na regular casuals at job orders ay magkakaroon ng dagdag na umento na ₱50.00 kada araw sa kanilang buwanang suweldo.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng ilang kawani ng Landbank Bauan na pinangunahan ni Ms. Nordecca Marasigan, Branch Manager. Nagbigay naman ng kanilang suporta at pakikipagkaisa sa nasabing inisyatibo sina Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at mga hepe ng bawat departamento.

#WeAreOneInBauan

You may also like...