Kalumala Heights Clean-up

Matatandaan na nitong nagdaang araw ay nag trending sa FB ang Kalumala Heights sa Barangay Alagao, Bauan dahil sa lumabas na mga pictures at postings. Makikita dito ang nagkalat na mga basura dahil sa walang pakundangan na pagtatapon mula sa mga taong bumibisita at namamasyal sa lugar. Naging sanhi ito ng pagkaalarma mula sa mga concern citizens at sa mismong Barangay.

Mula sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor agad na nagbuo ng isang Task Force na kinabibilangan ng Alagao Barangay Council at mga departamento mula sa LGU upang magsagawa ng pagsasaayos ng lugar.

Ngayong araw nagsagawa ng paglilinis sa kapaligiran ng Kalumala Heights ang pamunuan ng barangay kasama ang mga functionaries.

Maraming salamat Brgy. Alagao sa ipinakita ninyong pagkakaisa upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng inyong nasasakupan.

Sa mga taong dumarayo sa “little Baguio” ng Bauan, sana po ay pairalin natin ang disiplina. Mapalad po tayo at mayroong lugar sa ating bayan na may malinis na kapaligiran, sariwang hangin at higit sa lahat libre at walang bayad na pasyalan.

#WeAreOneInBauan☝🏻

Photo: SK Zorren Chavez

You may also like...