KALAYAAN 2024

Tingnan: Pagdiriwang ng bayan ng Bauan para sa ika-126 na taon ng Araw ng Kalayaan ng bansang Pilipinas na ginanap sa Dambana ng mga Bayani, Plaza Orense

Dumalo sa mahalagang okasyon ang mga municipal officials sa pangunguna nina Mayor Ryanh Dolor at Vice Mayor Ronald Cruzat kasama ang lahat ng SB Members, Mayora Wendah Dolor, mga kawani ng LGU, miyembro ng PNP, PCG at BFP, Knights of Columbus at Defenders of Bataan (Veterans).

Kabilang sa programa ang pag-aalay ng bulaklak sa Dambana ng mga Bayani at rebulto ni Gat Andres Bonifacio.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Dolor na maraming kalayaan ang ibinigay sa atin ng Panginoon at nawa ay patuloy na ibigay sa atin ang kalayaan ng ating bansa sa susunod na panahon at susunod na salin lahi.

Maligayang Araw ng Kasarinlan!

Mabuhay ang Pilipinas!🇵🇭

#KalayaanKinabukasanKasaysayan

#WeAreOneInBauan

You may also like...