Job Fair
Mahigit sa 600 na mga kababayan ang dumagsa sa inilunsad na Job Fair 2026 na may temang “Trabaho Para sa Lahat, Handog ng LGU Bauan.” Ito ay ginanap sa Hon. Julio M. Cruzat Mini Coliseum, Poblacion IV, ika-30 ng Abril.
Sa pangunguna ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at katuwang ang Public Employment Service Office – PESO Bauan ay naging matagumpay ang aktibidad na ito na naglalayong makapagbigay ng trabaho at oportunidad sa mga mamamayang naghahangad ng trabaho. Kaugnay din ito sa programang SHIELD ni Mayor Wendah patungkol sa ‘Employment’. Dumating din upang magbigay suporta sa nasabing programa sina Bokal Jently O. Rivera, Vice Mayor Guenn Abante, at Kon. Jesimiel Jake Garcia.
Nakiisa rito ang mga kumpanya mula sa pribadong sektor at manpower agencies mula sa iba’t ibang larangan at industriya. Samantala, may 30 naman sa mga aplikante rito ang mapalad na “hired on the spot” dahil sa kanilang natatanging kwalipikasyon.
Tuloy-tuloy na makikipagtulungan ang pamahalaang lokal ng Bauan at ang pribadong sektor para makapaghatid ng serbisyo hindi lamang sa mga Bauangueño kundi para sa lahat sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga programa katulad na lamang nito na nagbibigay ng makabagong oportunidad sa mga kababayan patungo sa pag-asenso.
“Serve More with Integrity, Lead with Empathy”

























































