Inter-SKC Eco Friendly Lantern and Opening of Night Market

Makulay ang Pasko sa Bauan

Isang tagumpay ang katatapos na Inter-SK Council’s Lantern Making Contest at Opening ng Night Market noong ika-12 ng Disyembre 2024 na ginanap sa Plaza Orense, Poblacion II.

Ang contest na may temang “Cultural Color: Celebrating Unity in Lanterns”, ay sinalihan ng tatlumpu’t anim sa 40 Sangguniang Kabataan Councils ng ating bayan. Gamit ang indigenous at eco-friendly materials, ang bawat parol ay sumisimbolo sa natatanging pagkakakilanlan o identity ng kanilang barangay.

Tinanghal na 1st place ang Barangay Inicbulan na tumanggap ng cash prize na Limampung Libong Piso (P50,000) mula kay dating Congressman Raneo E. Abu at Dra. Reina Dolor Abu-Reyes. Ang Aplaya na 2nd placer ay nagkamit ng Tatlumpung Libong Piso (P30,000) mula kay Mayora Wendah Dolor at Bokala Jently Rivera, samantalang ang 3rd placer na Barangay Sta. Maria ay Dalawampung Libong Piso (P20,000) mula sa Sangguniang Bayan, Jelly Adel at Kuya Jem Garcia. Napagpasyahan din ni Mayor RYANH M. DOLOR na dadagdagan niya ang consolation prizes ng non-winners mula tig P5,000 ay gawing P10,000 bilang pasasalamat sa ginawang effort at pagkakaisa ng lahat na SK Councils.

Ang proyekto na mula sa inisyatibo ni Mayora Wendah, ang Chairperson ng komite ng patimpalak, ay naging daan upang lalo pang magyabong ang “sense of unity and cooperation” ng bawat grupo ng kabataan sa bayan ng Bauan. Ang mga yaring Parol naman ay nagbigay ng kulay at ningning sa liwasan kung saan ito ay naka display.

Samantala, 22 food stall owners naman ang sumali sa Night Market. Sa loob ng 15 gabi simula Disyembre 12 hanggang Enero 5, 2025 ay mayroong mga tindahan ng iba’t ibang street foods, native na kakanin at inumin ang mapapagpilian ng ating mga kababayan na dadalo sa Simbang Gabi o kaya naman ay mamamasyal sa Plaza Orense.

Bauan Municipal Tourism

Sangguniang Kabataang Pederasyon ng Bayan ng Bauan

#MasayaAngPaskoSaBauan

#WeAreOneInBauan

You may also like...