Inter-Barangay Basketball & Volleyball League

Ginanap ang pinakahihintay na Opening Ceremony ng Mayor Ryanh Dolor (Mayor’s Cup) Inter Barangay Basketball and Volleyball League sa bayan ng Bauan nitong Sabado, Nov 26 sa Hon. Herminigildo Jasa Dolor (HJD) Coliseum, Barangay Manghinao Proper.

Dumalo at nagbigay ng kanilang suporta sa liga ang buong Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ronald Cruzat at iba pang panauhin na kinabibilangan nina BM Wilson Rivera, dating Congressman Raneo Abu at anak na si Dra. Reina Abu-Reyes, Ms Jenny Asilo-Aguilera ng PIO na siyang kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas, at Hon. Jay Manalo Ilagan President ng Vice Mayors League of the Philippines-Batangas Chapter. Naroon din ang Barangay Council ng bawat kasaling barangay sa pangunguna ng kanilang Barangay Captains at SK Chairpersons.

Tampok sa programa ang pagpili ng Best Muse mula sa lahat ng sumaling barangay. Nakamit ni Roxanne Mae Manongsong mula sa Barangay Colvo ang nasabing titulo na tumanggap ng trophy at iba pang prizes tulad ng 10k worth ng services sa sponsorship ng KSY Beauty and Wellness Center at ₱5k worth of food mula sa 16 Tables sa pamamagitan ni Cong. Abu. Ang bawat muse na sumali ay makakatanggap din ng Dalawang Libong Piso mula kay Mayor Dolor samantalang scholarship grant naman ang ilalaan ng Office of the Provincial Governor.

Nag pledge ng financial support ang mag-amang Cong Abu at Dra Reina, habang nag-abot din ng tulong si Vice Mayor Jay Ilagan. Ilalaan ang mga ito upang dagdag pondo para sa gastusin ng liga at cash prizes ng mga koponan o barangay na mananalo.

Mula naman kay Vice Mayor Cruzat at mga SB Members tig-isang basketball at volleyball ang ibinigay sa bawat barangay na magagamit nila sa kanilang pag practice.

Sa nasabing liga, lahat ng 40 barangay ay lumahok para sa basketball samantalang 29 at 33 barangay naman para sa Volleyball Men’s Division at Volleyball Women’s Division.

Naging isang tagumpay ang opening ceremony dahil sa pagsali ng bawat bawat koponan at lalo’t higit ang pagtutulungan ng bawat departamento ng LGU Bauan.

#WeAreOneInBauan👆🏻

You may also like...