Inauguration and Oath Taking Ceremonies of the Newly Elected Officials
Nanumpa sa kanyang tungkulin bilang Punumbayan ng Bauan si Mayor Ryanh Dolor na ginanap sa Hon. Herminigildo Jasa Dolor Coliseum noong June 29.
Kasabay nito ang panunumpa ng iba pang elected officials ng bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ronald E Cruzat kabilang ang walo ( Sangguniang Bayan Members na sina Hero M Dolor, Neil P Valdez, Dr. Romel B Basilan, Jennelle Claresta Guenn S Abante, Patricia Nicole T Abrahan, Michael T Endaya, Josephine D Gimeno at Dr. Leon R. Ramos Jr.
Minarapat naman nina BM Wilson Leandro T Rivera at BM Dr. Arlina B Magboo na sa bayan ng Bauan kasabay ang mga lokal na opisyal, ganapin ang kanilang Panunumpa sa Tungkulin bilang Sangguniang Panglalawigan Members ng ika-2 Distrito ng Batangas.
Sa kanyang ceremonial speech, lubos ang naging pasasalamat ni MAYOR DOLOR sa lahat ng mga taong nagbigay ng kanilang pagtitiwala at pagmamahal para sa kanyang ikalawang termino. Ayon sa kanya mahirap man ang darating na panahon ng kanilang panunungkulan dahilan ng napakaraming pagsubok na kinakaharap ng bansa ay pipilitin niya kasama ang ibang halal na opisyales na ibigay ang higit na nararapat para sa mga tao at sa bayan.
Dumalo sa nasabing Inauguration and Oath Taking ang mga panauhin na kinabibilangan ni dating Cong. Raneo E Abu, pamilya at malalapit na kaibigan ng mga bagong halal, mga kawani ng LGU, barangay councils, representatives ng ilang NGAs, NGOs at private establishments/companies sa Bauan. Samantala ang MTC Judge na si Hon. Josephine C Garcia-Borbon naman ang siyang nahirang na Punong Tagapanumpa.
Bago ang programa isang concelebrated mass ang idinaos sa Immaculate Conception Church bilang pasasalamat sa nagdaang peaceful local election.