FLAG RAISING CEREMONY 2025
‘May ngiti at produktibong paglilingkod’, Mayor Wendah Dolor
Pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes ika-7 ng Hulyo, 2025.
Minarapat ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor na dumalo sa programa sa unang pagkakataon. Sa kanyang mensahe ipinabot ng butihing Mayor ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga kawani ng LGU at NGAs, at sa mga bisitang stakeholders at kumpanya sa bayan ng Bauan. Ilan sa kanyang mahalagang bilin sa bawat kawani ay ang pagiging produktibo sa larangan ng kani-kanilang propesyon at ang mandato ng paglilingkod at pagbibigay serbisyo hindi lamang sa iilan kundi sa lahat ng taong bayan.
Ang buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang bilang National Disaster Resilience Month na may temang, “KUMIKILOS: Kayang Umaksyon ng Mamamayan na Isabuhay ang Kahandaan ng bawat Isa para maging Ligtas sa Oras ng Sakuna”. Kaugnay dito tumanggap ng Certificate of Recognition ang ilang grupo na lumahok sa nagdaang Motorcade para sa buwan ng selebrasyon. Kabilang dito ang BIPI, EEI, CESCO Offshore Const. Serces, OVR Equipment & Rental Corp., Reytech Const. & Development Corp. , SI Mariveles Dry Docking & Shipyard Corp., Bauan Centennial Lion’s Club, Rotary Club of Bauan, KABALIKAT CIVICOM Bauan Chapter, KABAYAN ACTION GROUP, BFP Bauan, PCG Bauan, and Bauan Municipal Police Station. Marami pong salamat sa inyong kooperasyon at pakikipagkaisa.
‘𝑆𝑒𝑟𝑣𝑒 𝑀𝑜𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝐼𝑛𝑡𝑒𝑔𝑟𝑖𝑡𝑦, 𝐿𝑒𝑎𝑑 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝐸𝑚𝑝𝑎𝑡ℎ𝑦’



































