Employees Sports Fest 2023

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bauan ay kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang ng ika-123 Taong Anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission at ang buwan ng Setyembre bilang Civil Service Month. Kaugnay dito, ang ating LGU ay naghanda ng iba’t ibang events para sa mga empleyado.

Ang 2-Day Employees Sports Fest na may temang Paligsahan at Kasayahan para sa Lingkod Bayan ng Bauan ay ginanap noong Set 14-15 sa HJD Coliseum. Dumalo at sumali sa pagdiriwang sina Mayor Ryanh Dolor at kanyang maybahay Mayora Wendah, Vice Mayor Ronald Cruzat, SB Member Hero Dolor, BM Wilson Rivera, former Cong. Raneo Abu, Mr. Celio Francia, PNP COP PLTCOL Nestor Cusi, Mrs. Cherie Exconde at mga empleyado ng LGU at NGAs. Nagsilbing emcee ng programa si Mr. Cristopher Alabastro, President of Barangay Secretaries.

Nag enjoy ang bawat isang kawani na sumali sa mga games na kinabilangan ng basketball, volleyball – men & women division at Palaro ng Lahi at exhibition ng volleyball game sa pagitan ng LGBTQ + employees at all-stars ng NGAs (PNP, BFP at PCG). Ang masayang event ay naging daan para sa camaraderie ng mga empleyado at nagsilbing team building ng grupo.

Ang nasabing activity ay sa pakikipagkaisa ng lahat na departamento sa pangunguna ng HR/Personnel Section sa ilalim ni Ma’am Rhodora Ilagan kaagapay sina sir Tato Brual (Sports Coordinator) at sir Roy Barre (HJD Coliseum Administrator) na siyang nangasiwa sa mga palaro.

#BeAnEffectivePublicServant

#SeptemberIsCivilServiceMonth

#WeAreOneInBauan☝🏻

You may also like...