ELA 2025

Tagumpay ang isinagawang Executive Legislative Agenda (ELA) formulation ng LGU Bauan na ginanap noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 1, 2025 sa Subic Bay Yacht Club, Subic Bay, Zambales. Ito ay pinangunahan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor kasama ang buong Sangguniang Bayan, Department Heads at Assistants, Section Chiefs, at representative mula sa national government agency, Bureau of Fire and Protection. Ang 3-day seminar ay inorganisa ng Municipal Planning and Development Office sa pamamagitan ni Engr. Melvin Arevalo, MPDC, nagsilbi naman bilang resource speaker ang Bauan MLGOO, EnP Celio Francia.

Sa unang bahagi ng programa ay nabigyan ng pagkakataon ang bawat isang dumalo na maglahad ng kanilang expectations patungkol sa ginanap na seminar. Nagkaroon din workshop kung saan ang mga participants at hinati sa limang Groups of Governance – Social, Institutional, Economic, Environmental, at Land Use and Infrastructure. Tinukoy at tinalakay dito ang mga nakikitang condition o concern, sanhi, implikasyon at gayundin ang posibleng solusyon sa bawat governance.

Mula sa ehekutibo, inihayin ni Mayor Wendah ang mga proyekto na nakapaloob sa SHIELD Program na sa kabuuang konsepto ay kinabibilangan ng shelter, health, inclusive education, environment, employment, livelihood, at development. Bilang tugon ay ipinahayag naman ni Acting Vice Mayor Guenn Abante, na ang lehislatibo ay patuloy na gumagawa ng mga batas at ordinansa na naka-angkla sa SHIELD bilang pagsuporta sa mahalagang adhikain ng programa.

Kumbaga sa isang bangka, ang Bayan ng Bauan ay tumatakbo sa pagtitimon ng isang boat captain sa katauhan ni Mayor Wendah Dolor katulong ang buong Sangguniang Bayan at lahat ng departamento na sabay sabay at sama samang sumasagwan sa iisang direksyon para sa patuloy na kaunlaran ng ating bayan.

Ang ELA formulation ay ginaganap kada tatlong taon. Nakapaloob dito ang mga mahahalagang plano ng lahat ng proyekto, programa at gawain ng isang munisipalidad na ipinatutupad ng Executive kaagay ang suporta ng Legislative mula sa mga pinagtibay na mga batas at ordinansa.

“Serve More with Integrity, Lead with Empathy”

#WeAreOneInBauan

You may also like...