Donations from ICTSI Foundation
Marami pong salamat, ICTSI Foundation
Ang bayan ng Bauan sa pamamagitan ni Mayor RYANH M. DOLOR ay lubos na nagpapasalamat sa ICTSI Foundation (Bauan International Port, Inc.) na laging kaagapay at ka-partner ng ating pamahalaan sa maraming pagkakataon.
Naganap noong Martes, Marso 6, 2025 ang turnover ng audio-visual equipment na ipinagkaloob ng ICTSI Foundation sa 10 Public Elementary Schools sa bayan ng Bauan.
Kabilang sa mga paaralan na napagkalooban ng Samsung 50” Smart TV at True Vision wall bracket ang New Danglayan ES, Sta. Maria-San Pedro ES, Sab Andres ES, San Teodoro ES, Sinala ES, Baguilawa ES, Durungao ES, Inicbulan ES, Locloc ES at Manalupang-San Vicente ES.
Dumalo sa programa at nagbigay ng kanilang pasasalamat sa natanggap na educational assistance ang mga kinatawan ng LGU na sina Acting Mayor Kgg. Ronald Evangelista Cruzat, Acting Vice Mayor Kgg. Hero M. Dolor at Kgg. Leon Ramos Jr., SB Chairperson Committee on Education, Tourism, Culture and Arts; mga kawani ng DepEd sa pangunguna nina Gng. Aurelia Aguila (PSDS – East District), Dra. Andrea Hernandez (PSDS – West District) kasama ang mga school heads, guro at PTA Presidents; at mga barangay captains na nakakasakop sa mga paaralan.
Bilang corporate social responsibility naging panuntunan ng nasabing kumpanya ang magbigay ng tulong sa iba’ibang sektor ng lipunan dito sa ating bayan.
Dr. Leon Ramos Jr., SB Member
















