Donations

Tuloy ang Buhos ng Donasyon

Muli na namang nagpaabot si Cong. Leandro Legarda Leviste ng kanyang donasyon para sa ating mga kababayan, isang araw matapos manalasa ang bagyong #UwanPH sa ating bayan. Matatandaan na noong nakaraang ilang buwan ay nakatanggap din ang ating bayan ng food packs mula sa butihing kinatawan ng 1st District of Batangas.

Bagaman ang Bauan ay hindi sakop ng distritong kanyang pinaglilingkuran ay nabibilang na din ang ating bayan sa mga munisipalidad na kanyang pinahahalagahan.

Kaya naman sa ngalan po ng buong bayan sa pamamagitan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at mga miyembro ng Sangguniang Bayan kami po ay taos pusong nagpapasalamat kay Cong Leviste damang dama namin ang kanyang pagmamahal sa mga Bauangueño.

Makakaasa po kayo na makakarating ang inyong tulong sa higit na nangangailangan naming mga kababayan.

You may also like...