Disinfection sa Bauan District Schools

Puspusan ang ginagawang disinfection activity mula sa tanggapan ng Bauan Municipal Health Office sa ilang mga schools sa ating bayan. Bunsod ito ng dumaraming suspected cases ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) partikular sa mga estudyante sa buong lalawigan ng Batangas.

Noong Martes, Okt 18, bilang pagtalima sa direktiba ni Mayor Ryanh Dolor, kaagad na nagpatawag ng meeting ang ating LGU sa bawat concerned agency o tanggapan ng ating lokal na pamahalaan kasama ang lahat ng barangay. Isang task force ang binuo na siyang tutugon para sa umiiral na sitwasyon.

Sa nasabing meeting, kapwa nagbahagi ng paunang report ang Bauan West at Bauan East District Supervisors ng mga initial na bilang ng mga suspected HFMD cases mula sa mga schools na kanilang nasasakupan.

Mula sa LGU, nagbigay ng mga paalala ang MHO sa mga health protocols na dapat gawin sa mga paaralan kung sakaling dito makitaan ng symptoms ang mga bata. Agad ding pinag-igting ang ilang preventive at precautionary measures tulad ng DISINFECTION sa lahat ng schools. Minarapat din ng nasabing tanggapan na magsagawa ng IEC sa lahat ng mga day care center teachers upang makapagbigay ng relevant information and dissemination. Patuloy din ang ginagawang monitoring at assessment sa bawat suspected cases. Ipinapayo para sa lahat lalo na sa barangays na magreport sa BHERT para sa mga taong may symptoms o kaya naman ay na expose.

Ayon sa DOH, ang HFMD ay isang nakakahawang viral infection na karaniwang sakit ng mga sanggol at mga bata na nakakahawa sa unang linggo ng impeksyon. Maari itong kumalat sa pamamagitan ng kontak sa sipon, plema, laway at dumi ng tao at paghawak sa mga bagay na nahawakan ng mga taong may impeksyon.

Ano ang mga karaniwang sintomas niyo? Ilan dito ay lagnat; walang gana sa pagkain; pulang rashes na makikita sa palad at talampakan; masakit at mapulang paltos sa dila, gilagid at loob ng pisngi; masakit na lalamunan; masamang pakiramdam o panghihina ng katawan.

Papano ang gagawing pag iwas o pagkontrol dito?

Kalinisan sa katawan, paghuhugas ng kamay, pag disinfect sa mga lugar at kontaminadong mga bagay, iwasan ang paglapit (tulad ng paghalik at pagyakap) mga taong may HFMD.

Maging maingat at ligtas po tayong lahat.

#WeAreOneInBauan👆🏻

You may also like...