Day Two – Sublian Festival (Kadiwa ng Pangulo)

MASAGANANG araw sa Bayan ng Bauan sa pagbubukas ng KADIWA ng PANGULO ngayong ika-29 ng Abril, 2025 sa Municipal Hall Parking Lot.

Sa isang simpleng programa ay isinagawa ang cutting of ribbon bilang hudyat ng panimula nito. Dumalo sa nasabing okasyon sina Acting Mayor Romel B. Basilan, mga kawani at department heads ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Dr. Teofilo Garibay – Municipal Agriculturist at Engr. Eufemia D. Bautista – Municipal Tourism Officer, Gng. Celio Francia (MLGOO), at mga panauhin mula sa ilang National Government Agency.

Ito ay proyekto kung saan ang mga produkto ay ibinebenta sa murang halaga mula sa mga local sellers, farmers at iba’t ibang sectors. Sa bayan ng Bauan, ito ay bahagi ng weeklong celebration para sa Sublian Festival 2025.

Sangayon kay Acting Mayor Basilan, “marapat lamang na tangkilikin ang sariling atin at I-enjoy natin ang pamimili at sa ganun ay suportahan ang mga local industries”.

Ang KADIWA NG PANGULO ay mananatili sa parking area ng Munisipyo sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon ngayong araw lamang.

You may also like...