Day One – Sublian Festival (Boodle Fight)

Pormal na nagsimula ngayong araw, Abril 28, 2025 ang pagdiriwang para sa ika-24 na taon ng Sublian Festival sa Bayan ng Bauan na ginanap sa Plaza Orense, Poblacion II.

Una sa programa ay ang pagdaros ng Banal na Misa sa Immaculate Conception Parish kung saan nagsidalo ang mga opisyales at kawani mula sa pamahalaang lokal. Matapos ang misa ay isinagawa ang lingguhang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas at isang simpleng programa sa pangunguna ni Acting Mayor Kgg. Romel B. Basilan at Kgg. Leon R. Ramos Jr., SB Member at Chairperson ng Committee on Tourism, Culture & Arts. Naging panauhin din sina Cong. Ray Florence Reyes mula sa AnaKalusugan Partylist at Gng. Wendah Katrina Dolor, ang Chairperson ng Mutya ng Bauan Committee.

Kaagad naman na sinundan ito ng isang Boodle Fight mula sa sponsorship ng Bauan Public Market Vendors Association sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng Bauan Public Market. Ang masaganang hapag ng pagkain ay pinagsaluhan ng mga nagsidalo sa nasabing programa.

#WeAreOneInBauan

You may also like...