Courtesy Calls 2026
Tingnan: Malugod na tinanggap ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor ang mga batang mag aaral mula sa Bauan East at West Districts na lumahok sa Reconfigured Regional Schools Press Conference (RRSPC) na ginanap sa Antipolo City at lalawigan ng Rizal noong Pebrero 22-27, 2026. Kasama sa nasabing pagbisita sina Dr. Emiteria B. Villamor, PSDS ng Bauan East District, G. Dionisio Cruzat, Principal ng Bauan East Central School (BECS), at ilang mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa dalawang distrito ng DepEd Bauan.
Pinuri ni Mayor Wendah ang mga mag-aaral na nakilahok sa nasabing kaganapan sapagkat nagdala sila ng pagmamalaki at karangalan sa bayan ng Bauan. Ito ay dahil ang mga estudyanteng mamamahayag ay nag-uwi ng mga parangal at gantimpala sa iba’t ibang kategorya sa ilalim ng RRSPC.
Kinilala rin si Seanne Mikael D. Mendoza mula sa BECS na nagwagi bilang 1st Place sa Sports Writing (English), kasama ng kanyang coach na si Gng. Chela H. Abe na pawang guro rin sa nasabing paaralan. Kasama siya bilang kalahok na lalaban sa National Schools Press Conference (NSPC) na gaganapin sa Ormoc City, Leyte sa Abril 13-17, 2026. Bukod pa rito ay may piling mag-aaral din mula Centex Batangas at Bauan Technical Integrated High School (BTIHS) na makakasama sa grupo mula sa rehiyon.
Makikita sa comment section ang buong detalye ng mga mag-aaral na nakilahok at nagwagi sa nasabing RRSPC.
















