CLEARING OPERATIONS
Simula ng ONGOING CLEARING OPERATIONS
Tambak ng basura ang bumulaga sa Barangay Aplaya, partikular sa kahabaan ng Lauro Abrahan Blvd., matapos ang magdamag na paghagupit ng bagyong #UwanPH.
Sa maagap na aksyon ng LGU Bauan mula sa direktiba ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor at kahandaan ng Aplaya Barangay Council sa pangunguna ni Brgy. Captain Rey De Chavez kaagad itong nabigyan ng solusyon. Katuwang ang mga kawani mula sa Bauan Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) patuloy ang isinasagawang clearing operations simula ngayong araw. Kasama na dito ang paghahakot ng tone-tonelang basura na naanod mula sa ibang lugar papunta sa tabing dagat.
Naging mas maalwan naman ang ongoing operations dahil sa paggamit ng mga heavy equipment truck at loader na ipinahiram nina dating Bokal Wilson Rivera at G. Tony Giman.
Marami pong salamat sa maagap at sama-samang pagtugon para sa kalinisan at kaayusan ng ating mga barangay.



















