Civil Service Month Celebration
Masayang ipinagdiwang ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Bauan ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-125th Philippine Civil Service Month na may temang: “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”
Sa talumpati ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, masaya niyang sinabi na, “Palagi tayong ngingiti, maglilingkod at magse-serbisyo tayo sa tao ng may integridad, mamumuno tayo sa pamayanan ng Bauan nang may puso.”
Bilang bahagi ng programa, iba’t ibang patimpalak at palarong pang-isports ang isasagawa ngayong buwan ng Setyembre. Bawat kawani ay kabilang sa sampung (10) koponan na makikipagtagisan sa bawat aktibidad. Sa unang araw ng seremonya ay isinagawa ang yell competition, TikTok competition, at gayundin ang ilang gantimpala katulad ng Best Muse, Best in Yell Competition, at Best in Uniform.
Matagumpay na nagwagi bilang Best Muse si Bb. Jenny Endaya ng Orange Tigers. Samantala, nakamit naman ng Purple Sharks, sa pangunguna ni Atty. Ava Talag, ang Best in Yell Competition at Best in Uniform.











































































































