Check It, Beat It!
Pormal na idinaos noong Enero 22, 2026 ng hapon ang turnover ceremony para sa isang bagong Toyota Innova patrol vehicle ng Philippine National Police (PNP) Bauan sa pangunguna ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor katuwang si Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Malugod naman itong tinanggap ni PLTCOL Carlito Valdez, hepe ng Bauan PNP, kasama ng iba pang mga kawani ng nasabing departamento.
Ang bagong patrol vehicle na pinagkaloob ng pamahalaang bayan ng Bauan ay makatutulong sa hukbong kapulisan para sa mas mabilis na pagresponde at mabisang operasyon para mapanatili ang seguridad at kaligtasan. Gayundin, patunay ito ng matibay na suporta ng lokal na pamahalaan sa PNP bilang pangunahing katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bayan.



























