CBMS Data Turnover
Isinagawa kahapon, Agosto 27, 2025, ang Community-Based Monitoring System (CBMS) Data Turnover. Nagkaroon din ng talakayan sa pagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at pamahalaang bayan ng Bauan sa pangunguna ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor, kasama sina Kon. Josephine Gimeno; Engr. Melvin Arevalo, MPDC; EnP Celio Francia, MLGOO; at ilan pang mga kawani at kinatawan ng pamahalaan.
Inilahad ni Bb. Maria A. Ramirez, Statistical Specialist mula sa PSA Batangas, ang iba’t ibang layunin base sa datos na nakalap nila mula sa bawat barangay ng bayan ng Bauan sa pamamagitan ng mga graph at chart. Kabilang na dito ang pagkakaroon ng maayos na suplay ng kuryente at malinis na tubig, kaligtasan at katahimikan ng pamayanan, trabaho at oportunidad, antas at kalidad ng edukasyon, pagkakaroon ng bawat tahanan ng sariling palikuran at pasilidad sa usapin ng sanitasyon, at pati na rin ang ilang suliranin.
Dahil dito, ang mga datos na nakakalap ay gagamitin ng LGU sa proseso ng pagpaplano, pagbabadyet, pati na rin sa disaster risk reduction and management measures. Ito ay isang hakbang din na kung saan ang mga benepisyo nito ay may kaugnayan sa kaunlaran ng bawat miyembro ng sambahayan.
Bukod sa pagiging mandato ng PSA, ang pagsasagawa ng CBMS ay alinsunod sa Republic Act No. 11315 (CBMS Act). Ito ay isang technology-based system na ginagamit sa pangongolekta, pagproseso at pag-validate ng mga disaggregated na datos mula sa mga siyudad at munisipyo.


















