Capability Buildings of Persons with Disability Leader

“𝓒π“ͺ 𝓑π“ͺ𝔂π“ͺ𝓷 𝓷𝓰 𝓑π“ͺ𝓾π“ͺ𝓷, 𝓦π“ͺ𝓡π“ͺ𝓷𝓰 π“œπ“ͺ𝓲𝓲𝔀π“ͺ𝓷”

Masayang idinaos ang unang araw ng Capability Building of Persons with Disability Leaders ngayong Oktubre 23, 2025 na inorganisa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Bauan Association of Persons with Disability (BAPDI).

Sa inilahad na mensahe ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor ay buong kalooban niyang pinagmalaki na palaging may lugar ang mga BauangueΓ±o na persons with disability sa kanyang puso sapagkat bukas palagi ang pintuan para tumulong at walang kulang sa pagkatao ng bawat isa. Binigyang pugay din naman ni π—žπ—΄π—΄. π—π—Όπ˜€π—²π—½π—΅π—Άπ—»π—² π—šπ—Άπ—Ίπ—²π—»π—Ό, Committee Chairperson on Persons with Disability, ang mga indibidwal na nakilahok sa programa bilang pagsuporta sa kapakanan ng mga PWD sa komunidad. Gayundin ay isinalaysay ni Bb. Ivan Michelle E. Acleta, Municipal Social Welfare and Development Officer, na labis na pinahahalagahan ng pamahalaang bayan ang pagsisikap ng mga PWD. Iginiit naman ni G. Nelson Adante, BAPDI President, na tuloy-tuloy ang mga programa at aktibidad para sa mga PWD sa darating pang panahon.

Sa nasabing kaganapan, ang mga dumalong indibidwal na kinabibilangan ng mga barangay coordinators mula sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ay sumailalim sa isang pagsasanay ukol sa β€˜public speaking’ at pag-organisa ng mga makabuluhang aktibidad para sa komunidad, sa gabay ni G. Harold M. Padura, RSW, mula sa Batangas Provincial Persons with Disability Affairs Office. Dahil dito ay isa-isa silang pinagsalita sa harapan para mahasa ang kanilang abilidad at kakayahan patungkol sa pagpapahayag ng kanilang talumpati sa pamamagitan ng pagpapakilala ng sarili, pagbabahagi ng kanilang karanasan sa pagsasalita sa publiko at pag-organisa ng mga aktibidad, gayundin ang kanilang inaasahan sa nasabing pagsasanay.

Sa ikalawang bahagi ng programa ay inilahad naman ni G. Padura ang diskusyon patungkol sa Disability Awareness Orientation at mga batas kaugnay ng pagbibigay proteksyon, karapatan, at pagpapahalaga sa mga indibidwal na may kapansanan. Ilan sa mga batas na ito ay ang B.P. 344 o ang β€˜Accessibility Law’ na minamandato ang anumang gusali ng mga rampa at pasilidad para sa mga PWD; R.A. 7277 (na inamyendahan ng R.A. 9442, R.A. 10754, at R.A. 11228) o Magna Carta for Persons with Disabilities para patibayin ang proteksyon at benepisyo para sa mga PWD sa Pilipinas at pagbibigay sa kanila awtomatikong membership sa PhilHealth; at ang R.A. 10366 o ang β€˜Law on Accessible Polling Places for PWDs and Seniors’.

Sa pagbubuod, hangad ng programa sa unang araw ang pagbibigay ng kumpiyansa at tiwala sa sarili sa mga kababayan natin na nasa sektor ng PWD at mabigyan din sila ng kaalaman patungkol sa kanilang mga karapatan at benepisyo na isinusulong ng saligang batas. Hatid ng pamahalaang bayan ng Bauan sa liderato ni mayor Wendah ang pagpapahalaga sa anumang sektor sa lipunan at walang kulang sa pagkatao ng bawat isa.

β€œπ‘Ίπ’†π’“π’—π’† 𝑴𝒐𝒓𝒆 π’˜π’Šπ’•π’‰ π‘°π’π’•π’†π’ˆπ’“π’Šπ’•π’š, 𝑳𝒆𝒂𝒅 π’˜π’Šπ’•π’‰ π‘¬π’Žπ’‘π’‚π’•π’‰π’šβ€

#WeAreOneInBauan

You may also like...