Buntis Day

Kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso, isinagawa sa bayan ng Bauan ang BUNTIS DAY 2025 kahapon, ika-26 ng Marso, 2025 sa pamamagitan ng Bauan Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng Batangas Provincial Health Office.

May tatlumpung buntis mula sa iba’t ibang barangay ang nabigyan ng oral prophylaxis. Nagpakita din ng kanilang talento at husay ang mga kalahok sa isinagawang “Buntis Got Talent” na nag-uwi ng mga papremyo mula sa mga butihing sponsors.

Ang nasabing programa na may temang, “Empowering Women, Enriching Futures: Focusing on Safe Motherhood Leading to a Healthier Tomorrow” ay sa pangunguna nina Dr. Wiston Ilagan (MHO), Dr. Dolores Bondoc at Dr. Louvelle Ceralde-Floro kaagapay ang buong staff ng Bauan Rural Health Unit 1 & 2.

#WeAreOneInBauan

✍🏻Shel Lopez (Municipal Health Office)

You may also like...