Buhay ang Bayanihan sa Bauan
Sa oras ng trahedya lumalabas ang kabayanihan ng bawat isa. Ito ang napatunayan sa naganap na sunog ngayong hapon sa Brgy. San Andres Proper.
Bagaman ang nangyari ay isang sakuna, maipagmamalaki na ang lahat ay buong giting na gumanap ng kani-kanilang mahalagang tungkulin. Mula sa mga respondents na kinabibilangan ng Bauan BFP, TMG, MHO at MDRRMO hanggang sa mga volunteers mula sa barangay na hindi matatawaran ang ginawang paghahakot ng tubig mula sa balon upang makatulong sa pagsawata ng apoy.
Matapos ang isang pambayang aktibidad, agad na nagtungo si Mayor Ryanh Dolor kasama si Bokal Wilson Rivera sa San Andres Proper at nagsagawa ng assessment sa lugar at nakipag ugnayan sa barangay. Mula sa direktiba ni Mayor Dolor, agarang kikilos ang mga ahensya ng LGU para sa pagbibigay ng karampatang assistance.
Sa bigkis ng pagkakaisa damang dama ang pagdadamayan at ispiritu ng bayanihan sa bayan ng Bauan.
#WeAreOneInBauan
Jay Ron Kearse | Bauan MIO
Ed Salcedo