BTIHS SPTA Officers Induction & Oath-Taking Ceremony

Pormal na pinangasiwaan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor ngayong araw, Setyembre 25, 2025, ang seremonya ng panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyales ng School Parent-Teacher Association (SPTA) ng Bauan Technical Integrated High School (BTIHS) para sa taong panuruan 2025-2026.

Kasama sina Bb. Dulce Amor Abante, Principal ng BTIHS, at dating Mayor RYANH M. DOLOR, ipinaabot ni Mayor Wendah ang kanyang taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng SPTA at sinabing, “Sa mga magulang at guro, tandaan po natin na kapag sama-sama tayo, mas magiging matibay po ang pundasyon ng edukasyon para sa ating mga kabataan.” Dagdag pa niya na bilang ina ng bayan ng Bauan ay maaasahan ang kanyang patuloy na pagsuporta sa mga programang dagdag unlad sa mga mag-aaral.

Samantala, ipinahayag naman ng bagong halal na Chairperson na si Gng. Rosalie Pilares na magiging katuwang ng SPTA ang mga guro o pamilyang Technites para sa iisang mithiin at ito ay ang itaguyod ang kalidad ng edukasyon at mabuting kinabukasan ng mag-aaral.

Layunin ng organisasyon ang isulong ang maayos, aktibo, at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga guro, magulang, at komunidad sa pagpapatupad ng mga programa sa paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

You may also like...