BPM Operation Linis

Isang malawakang paglilinis ang naganap kahapon, January 19, 2022 sa Pamilihang Bayan ng Bauan na pinangunahan ng mga kawani mula sa BPM, BFP, MHO, MENRO katuwang ang mga volunteers mula sa Barangay Council ng As-is, Balayong, Manghinao I, Sta. Maria, San Miguel at Poblacion 3.

Bilang kooperasyon minarapat ng mga stall owners na magsara ng kanilang mga pwesto pagpatak ng alas tres ng hapon bilang panimula ng nasabing gawain.

Ang operation linis na magiging regular na aktibidad tuwing Miyerkules ng kada linggo, ay bilang pagtalima sa direktiba ni MAYOR RYANH M. DOLOR na panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng Pamilihang Bayan at paligid nito para sa kapanatagan ng bawat manininda at mamimili dito.

#WeAreOneInBauan👆🏻

You may also like...