BPM Buildings A & B Clean-Up
Isang pasasalamat mula sa Bayan ng Bauan sa pangunguna ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor sa lahat ng mga store owners ng Bauan Public Market (BPM) na nakiisa sa isinagawang malawakang clean-up ng Buildings A at B kahapon, ika-12 ng Abril 2026.
Ang ganitong inisyatiba mula sa mga nagmamay-ari ng pwesto katuwang ang mga kawani ng BPM at Bauan BFP ay isang hakbang upang mapanatili ang kalinisan ng buong pamilihang bayan at gayundin para sa kaligtasang pangkalusugan ng mga manininda at mamimili.
Marami pong salamat.
























