BOSS 2025

“Business As Usual” dito sa Munisipyo ng Bauan

Nagsimula ngayong araw, January 2, 2025 ang pagkuha o Renewal of Business/Mayor’s Permit. Ang bawat barangay na nakakasakop sa mga establishments ay may kanyang araw ng schedule para dito. Walang kaukulang penalty ang mga magbabayad simula January 2 hanggang January 20, 2025.

Kasabay nito ay ang panimula ng pagbabayad ng Real Property Tax (amilyar) na mayroon ding nakatakdang araw sa bawat barangay. At para sa mga maagang makakapagbayad, may nakalaan na 15% discount simula January 2-31; 10% discount naman para sa February 1-15; samantalang NO PENALTY/NO DISCOUNT ang makakapagbayad sa February 16-March 31, 2025.

Available din ONLINE PAYMENT para sa Business Permit Application

1. RENEWAL of Business/Mayor’s Permit

2. REGISTRATION of New Business

Magtungo lamang po sa www.bauan.gov.ph para sa Online Permit.

+26

You may also like...