Blessing & Ribbon Cutting (Infrastructure Projects)

Nagsagawa ang LGU Bauan ng Blessing at Ribbon Cutting sa mga nakumpletong pagawaing bayan (completed infrastructures projects) ng ilang government-owned facilities at barangay kahapon, Abril 14, 2023.

Sa direktiba ni Mayor Mayor Ryanh Dolor at pakikiisa ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ronald Cruzat ang mga proyektong ito na nagmula sa pondo ng lokal na pamahalaan ng Bauan ay nagkaroon ng katuparan. Sapagkat ang mga namumuno sa ating bayan ay may masusing pagpaplano, maayos na pag gamit ng pambayang pondo at higit sa lahat may pagkakaisa ang executive at legislative para sa kagalingan, kapakinabangan at kapakanan ng taong bayan at patuloy na pag-unlad ng buong bayan ng Bauan.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga taga barangay sa pagkakaroon nila ng ganitong klaseng mga proyekto. Ang tanging hiling ng ating mga namumuno ay disiplina at maayos na paggamit ng mga ito upang sa gayun ay mapakinabangan sa mas mahabang panahon.

Dumalo sa nasabing okasyon ang mga SB Members, Bokal Wilson T. Rivera, Barangay Officials and functionaries kung saan may mga pinasinayaang projects, mga kawani ng Bauan Gen Hospital sa pangunguna nina Dr. Allan Bato at Dra. Ma. Dolores Bondoc, Market OIC – Rhoda Dimalibot kasama ang mga officers ng BPM Vendors Assn at ilang Municipal Dept.Heads.

Narito ang mga completed projects:

1. Bauan Public Market – Bldg. B (Phase I – Cooked Food Stall/ Fruit Stall)

2. Bauan General Hospital – CT Scan Room with brand new machine, X Ray Room with brand new machine, fully-equipped Medical Laboratory

Para sa kaalaman ng lahat ang Bauan ang kaunahang munisipyo o LGU sa buong CALABARZON na nagpapatakbo ng isang government-owned hospital (Bauan Gen Hosp) na magkakaroon ng brand new CT Scan machine. Ayon pa kay Mayor Dolor, ang serbisyong hatid nito ay para sa lahat hindi lang sa mga taga Bauan ngunit lalo’t higit sa mas nangangailangan kung kaya hindi man libre ang babayaran ay mas mura kesa sa ibang hospital.

3. Sto. Domingo – Aplaya Bridge

4. Barangay San Roque Footbridge

5. Barangay San Roque Covered Court

6. Tabok Bridge in Barangay Inicbulan

7. Barangay Sinala Bridge

8. Barangay Locloc Multi-Purpose Hall (funds from Sen. Juan Miguel Zubiri)

9. Barangay Locloc Covered Court (funds from Bokal Wilson T. Rivera)

10. Barangay Locloc riprap of roadside

#WeAreOneInBauan☝🏻

#RoadMaptoDevelopment

#ProyektongBayan #ParaSaMamamayan

You may also like...