Blessing of Hon. Leandro “Ding” C. Gonda Road

Cupang-San Teodoro Road accessible na, ipinangalan kay dating Bokal Gonda

Isang simpleng seremonya ang inihanda ng LGU Bauan para sa Blessing at Inauguration ng Cupang-San Teodoro Access Road noong ika-13 ng Disyembre 2024.

Sa pangunguna ni Mayor RYANH M. DOLOR, Vice Mayor Ronald Evangelista Cruzat, SB Members, dating Congressman Raneo E. Abu, kasama ang pamilya ni dating Board Member Leandro “Ding” Gonda, Dr. Anastacio Alvarez at pamunuan ng Barangay Cupang at Barangay San Teodoro, binuksan na sa publiko ang nasabing access road.

Matatandaan na noong 2021 ay nagkaroon ng “signing of deed of donation” sa pagitan ng ating pamahalaang lokal at land owners/donors para sa pagsisimula ng proyekto. Kung kaya naman lubos ang naging pasasalamat ni Mayor Dolor sa pamilya Alvarez sa pagkaka donate ng ilang parte ng kanilang lupain na daraanan ng access road. Ayon pa sa alkalde sa matagal ng panahon at ilang pamunuan na ang nagplano ng nasabing proyekto subalit sa ilang kadahilanan ay hindi ito maisakatuparan. At ngayong 2024 natapos ang nasabing infrastructure project na may 2 tulay at tumatahak ng dalawang (2) kilometro mula Barangay Cupang hanggang Barangay San Teodoro.

Sa mungkahi rin ni Mayor Dolor na inaprubahan ng ating Sanggunian Bayan, minarapat na ipangalan ang nasabing road kay Kgg. Gonda, isang Bauangueño mula sa Poblacion III na nagbigay ng karangalan sa ating bayan bilang isang public servant at miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.

#WeAreOneInBauan

You may also like...