“Binata na si Utoy” Operation Tuli sa Barangay

Aplaya, Bauan – Ngayong araw, Abril 28, nagsimula ang unang batch para sa Operation Tuli – “Binata na si Utoy”, isang pangkalusugang proyekto na isinasagawa ng LGU Bauan sa tuwing sasapit ang summer vacation. Matatandaan na nahinto lamang ang proyekto noong panahon ng pandemya at muling ipinagpatuloy noong 2023.

May kabuuang 110 na mga kabataang lalaki na may edad siyam (9) na taon pataas mula sa Barangay Aplaya, Sto. Domingo at New Danglayan ang nabigyan ng pagkakataon para sa libreng serbisyo.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan ng ating pamahalaang lokal sa inisyatibo ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor sa pamamagitan ng Municipal Health Office. Pinangunahan ni Dr. Wiston Ilagan katuwang si Dr. Doris Balitaan-Bondoc kasama ang mga staff ng RHU, Brgy. Capt. Rey De Chavez at Sangguniang Barangay ng Aplaya, at Barangay Health Workers (BHW) mula sa unang tatlong nabanggit na barangay.

Ang mga interesado sa nasabing libreng pagpapatuli ay maaring makipag-ugnayan sa mga BHW ng kanilang barangay upang malaman ang sunod na schedule ng proyekto.

#WeAreOneInBauan

You may also like...