BAYANIhan sa Bauan
𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐮𝐚𝐧
Sa banta ng kalamidad lumalabas ang kabutihan at pagtutulungan. Isang halimbawa ang ipinakitang malasakit ng ating kapulisan sa ating mga kababayan ng Barangay Sto Domingo.
Makikita na habang suot ang kanilang ipinagpipitagang uniporme, nilusong ng mga mamang pulis ang ilog upang tumulong sa mga ginagawang pagsasako ng buhangin o sand bags. Samantalang nagpapala ang mga kababaihan ay patuloy naman ang ginagawang pagsasaray o pagpapatas ng mga kalalakihan ng mga sand bags upang gawing pangharang bilang paghahanda sa banta ng matinding pagbaha kung sakali mang tumaas ang tubig mula sa ilog na maaaring idulot ng Bagyong #UwanPH.
Marami pong salamat 𝗕𝗮𝘂𝗮𝗻 𝗣𝗡𝗣 sa pangunguna ni 𝗣𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗥 𝗩𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇, COP-Bauan MPS, sa paglalaan ng inyong mahalagang oras para sa ating mga kababayan. Tunay po na ang inyong paglilingkod sa sambayanan ay maituturing na isang kabayanihan.









