Bauan Youth Leaders

Nagsagawa ng last quarter meeting ang mga miyembro ng Samahan ng Aktibong Kabataan Tungo sa mga Oportunidad (SAKTO) – Provincial Federation kahapon, Disyembre 10, na ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Conference Room, Batangas Provincial Capitol Building.

Dumalo sa nasabing pagpupulong si Hon. Reneil Jeff Orate, Brgy. Councilor ng Balayong at dating President ng SAKTO Bauan Chapter, kasama si Brgy. Inicbulan SK Chairperson, Hon. Richie Anne Mhei Ilagan na siya namang kasalukuyang Presidente nito.

Bilang mga representative youth leaders ng bawat bayan ang mga tulad nila ay nabibigyan ng oportunidad at kasanayan na magplano at magkaroon ng mga proyekto para sa kagalingan at kapakinabangan ng kanilang kapwa kabataan.

“Sa Bayan ng Bauan ang Kabataan ay Pinahahalagahan”

You may also like...