Bauan Welcomes Delegates from San Nicolas, Ilocos Norte

Mainit na tinanggap kahapon, Peb 9, ng Bayan ng Bauan sa pamamagitan ni Mayor Ryanh Dolor ang delegasyon ng League of Barangay Secretaries and Treasurers mula sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte. Pinangunahan ito ng kanilang MLGOO Alta Grace Madarang-Hilario at mga taga Presidente ng Association of Barangay Secretaries and Treasurers, Ptr. Reynate G. Vivit at Eloisa Araño.

Saksi at bahagi ng programa mula sa LGU sina Vice Mayor Ronald E. Cruzat, SB Members Kgg. Hero M. Dolor, Kgg. Romel B. Basilan, ABC Pres. Margarito R. Garibay, MLGOO Sir Celio Francia at Mun. Administrator Atty. Ava C. Talag.

Ang pagbisita ay may kaugnayan sa “Knowledge Management Journey” o lakbay aral sa mga munisipalidad na kasali sa SGLG pilot barangays, kung saan isa ang Barangay Manghinao I na kabilang dito.

Lubos ang naging pasasalamat ni Gng. Hilario sa warm welcome na kanilang natanggap mula sa ating LGU. Aniya ang mga kaalaman at best practices na kanilang matututunan sa kanilang pagbisita ay magsisilbing “encouragement at challenge” para sa kanila.

Bilang tugon sinabi ni Mayor Dolor na isang karangalan sa ating LGU na mapili bilang isa sa mga bench marked municipalities. Sa kanyang mensahe buong kababaang loob niyang ipinagmalaki na ang Bayan ng Bauan ay makatatlong ulit ng naging SGLG Awardee. Ang tagumpay na ating nakamit ay bunga ng nagkakaisang pananaw ng bawat namumuno, pagkakaisa ng lahat ng barangay at suporta ng bawat empleyado at mamamayan.

Matapos ang programa, pinagsaluhan ng mga bisita ang ilang native food and delicacy tulad sinaing na tulingan at ang ating pinagmamalaking Londres at kapeng barako.

Samantala, masiglang pagsalubong din mula kay Brgy. Capt. Angel V. Manalo at buong pamunuan ng Manghinao I ang pinarating para sa delegasyon. Dito ay nagkaroon ng palitan ng idea at kaalaman mula sa barangay at mga bisita.

“Matino, Mahusay at Maaasahang Pamahalang Lokal”

#WeAreOneInBauan👆🏻

You may also like...