Bauan Federation of Parent-Teacher Association (FPTA) 2025-2026

β€œπ‘¨ π’‰π’†π’‚π’π’•π’‰π’š π’Žπ’Šπ’π’… π’Šπ’” 𝒕𝒉𝒆 π’‡π’π’–π’π’…π’‚π’•π’Šπ’π’ 𝒐𝒇 𝒂 π’ƒπ’“π’Šπ’ˆπ’‰π’• 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆!” Iyan ang saad ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor sa kanyang mensahe sa isinagawang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Bauan Federation of Parent-Teacher Association (FPTA) para sa taong panuruan 2025-2026 sa Bauan Municipal Hall ngayong Oktubre 13. Si Mayor Wendah din ang nangasiwa sa nasabing panunumpa na dinaluhan ng mga kinatawan at guro sa iba’t ibang pampublikong paaralan mula elementarya at sekundarya sa bayan ng Bauan. Kabilang din sa mga dumalo at nakiisa sa seremonya ay sina Vice Mayor Ronald E. Cruzat at former Mayor Ryanh M. Dolor.

Dahil dito ay binigyang diin ni Mayor Wendah ang papel ng PTA na hindi lamang nakatuon sa pagpapaganda ng mga paaralan sapagkat mahalaga rin aniya na pagtuunan ng pansin ang mental health at emotional well-being ng mga mag-aaral. Dagdag pa niya, β€œKaya’t habang tinuturuan natin silang magbasa, magsulat at mangarap, turuan din natin silang maging matatag, maramdaman ang pag-ibig at tanggapin ang kanilang sarili. Dahil ang isang batang payapa ang kalooban ay mas handang matuto, mangarap, at magtiwala sa sarili.”

Samakatuwid, ang asosasyon ay nakatutok sa kung ano ang pinakamabuti para sa mga kabataan upang tumutok sa tagumpay ng mga mag-aaral gayundin ang pagbuo ng mas malapit na ugnayan upang magkaroon ng positibong koneksyon sa pagitan ng guro, magulang, at mag-aaral, paaralan at komunidad.

#WeAreOneInBauan

You may also like...